News

Ilang magsasaka sa Dolores na naapektuhan ng bagyo, nakatanggap ng bayad-pinsala

Naibigay na ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) – Calabarzon ang indemnity o bayad-pinsala sa 50 magsasaka mula sa tatlong barangay sa Dolores, Quezon.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Dolores, aabot sa mahigit P600,000 ang kabuuang halaga ng naipamahagi para sa mga insured na pananim ng magsasaka na napinsala ng bagyong Paeng noong Oktubre 2022.

Ang mga benificiaries umano ay mga rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o (RSBSA).

Kung kaya patuloy na hinihimok ng local government ang mga magsasaka sa lahat ng barangay sa Dolores na magparehistro sa Municipal Agriculture Office upang makasali at maging bahagi rin ng mga programang pang-agrikultura na ibinababa sa munisipalidad.

Nilinaw din ng lokal na pamahalaan na unang batch pa lamang ito ng pamamahagi ng PCIC ng idemnity at may susunod pang batch na makakatanggap nito.

Pin It on Pinterest