News

Ilang magtitinda sa Lungsod ng Lucena, dumaing dahil sa taas ng presyo ng asukal

“Syempre dapat ibaba ang presyo para kumita naman kami,”  ‘yan ang panawagan ni Annalyn isa sa  ilang tindera sa Lungsod ng Lucena na dumadaing dahil sa mataas na presyo ng asukal.

“Sana po’y ibaba, gawa ng lahat ay naaapektuhan. Katulad n’yan palamig, magkano (ang presyo ng askual) P60.00 ang kilo,” sabi naman ni Meynard na isa ring magtitinda ng palamig.

 

Ayon naman kay Mang Utoy na mahigit dalawang taon nang nagtitinda ng bananacue, wala siyang magagawa sa pagtaas ng presyo ng asukal dahil trabaho naman daw ng gobyerno na pababain ang presyo nito.

 

“Kahit anong gawin natin ‘yan pa rin naman ang kalalabasan. Hindi naman tayo ang nasusunod at sila pa rin (gobyerno),” pahayag niya.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration Board Member Emiliano Yulo, bumaba na ang farmgate price ng askukal na ngayon ay nasa P1, 450.00 kada sako.

Kaya dapat nasa P50 kada kilo na lang aniya ang presyo ng asukal taliwas sa P54 hanggang P62 na presyo sa ilang pamilihan.

Kasabay nito, hinihiling naman ng grupong laban konsyumer na napapanahon na para maglabas ng suggested retail price o srp sa asukal.

Pin It on Pinterest