News

Ilang magulang, sinasabing dapat nang magpatupad ng distance learning dahil sa mainit na panahon

Dapat daw suspendihin ang face to face classes para kay Jackie na isang ordinaryong mamamayan at sa halip ay magpatupad ng modular distance learning ngayong nakakaranas ang ilang parte ng bansa ng matinding init ng panahon at power outage.

Katwiran niya, hikain daw kasi ang kanyang mga anak kaya mas mainam kung ipatutupad ang distance learning.

“Parang gusto ko ay gawa nang mainit ay ang init sa classroom, okay naman sa kaligtasan.”

Sang-ayon din dito si Gina at Fernan…

“Pwede naman kasi yung anak ko nakaexperience na parang nahimatay sa school sa sobrang init,” ayon kay Gina.

“Maganda yon medyo hindi abala sa mga magulang parang ganon din naman ang nangyayari eh,” sabi ni Fernan.

Sa kopya naman ng memorandum na inisyu sa mga school head sa pampubliko at pribadong mga paaralan, pinaalalahanan ni DepEd spokesperson Michael Poa ang mga ito sa kanilang awtoridad at responsibilidad na magsuspinde ng klase at mag-switch muna sa alternative delivery modes o ADM.

Paliwanag ni Poa na magkakaiba ang sitwasyon sa bawat paaralan kayat ang school heads na ang bahalang tumukoy kung naaangkop ang pagsasagawa ng F2F classes dahil iniiwasan na hindi makaapekto sa kalusugan ng mga magaaral ang matinding init na panahon.

Una rito, base sa survey ng Alliance of Concerned Teachers o ACT ipinapakita nito na mayorya ng mga guro sa bansa ay iniulat na nahihirapan ang kanilang mga estudyante na makapagpokus sa kanilang pag-aaral dahil sa nararanasang mainit na panahon.

Pin It on Pinterest