News

Ilang tsuper hindi hindi makakasama bilang beneficiary ng housing project sa Lucena

Hindi nakasama ang labing isa (11) sa limampu’t waong (58) unang batch ng beneficiaries sa Don Victor Ville socialize hosuing project ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Lucena.

Ito’y sa kadahilanang sumasailalim pa umano sa evaluation ng PAG-IBIG Fund at technical working group ng local housing board ang labing isang benipisaryo na pawang mga jeepney drivers na miyembro naman ng Pinag-isang Samahan ng Tsuper Operators sa Lucena O PISTOL.

Sa information hour na isinagawa ng sangguian, una ng humiling si Gng. Lerma Fajarda, UPAD Head na maisama na ang 11 beneficiaries upang hindi na mabalam pa ang pag-aaward sa unang batch na napagkalooban ng pabahay sa Don Victor Ville.

Sa opinyon naman ni konsehal Nicanor Pedro, Jr. dapat isama na sa ipinasang resolusyon ng sangguniang panlungsod na paglilipat ng titulo sa mga benificiaries at huwag na umanong gawing mahirap at komplikado ang proseso sa mga beneficiaries sa housing project ng lungsod na sa tingnin nya puro kwalipikado naman.

Pin It on Pinterest