Ilegal na nagbebenta ng ibon, arestado sa Lucena City
Arestado ng Quezon Maritime PNP ang isang lalaki sa Lucena City sa ilegal na pagbebenta ng ibon.
Kinilala ang suspek na si Marvin Andrade, 28-anyos, residente ng Barangay Silangang Mayao ng naturang lungsod.
Ayon kay Pmaj. Francisco Gunio, ang hepe ng Quezon Maritime Police, sa pamamagitan ng online transaction nasabat ng mga awtoridad ang suspek matapos magpangap na bibili ng ibon ang isa nilang tauhan.
Sa halagang isang libong piso, nagkasundo sa online transaction ang suspek at ang nagpanggap na parokyano para sa ibong ibinebenta.
Sa Perez Park sa bahagi Barangay 10 kung saan ang lugar na napagkasunduan ng bentahan, dito nadakip ng intelligence officer ng nasabing ahensya ang lalaki gamit ang 500-Peso bill na marked money ng walang maipakitang dokumento sa pagbebenta ng ibon.
Dalawang hinihinalang ibong Martines na nakalagay sa isang kahon ang nakuha sa supek. Ayon kay Major Gunio kasong paglabag sa RA. 9417 o Illegal Trading of Wildlife ang kakaharapin ng naaresto.
Na-i-turn over na sa DENR ang naturang ibon para sa tamang disposisyon at identification. Panawanagan ng ahensya sa publiko na kaagad ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan o sa mga awtoridad ang sino mang sangkot sa Illegal Trading of Wildlife.