News

Illegal fishing activity sa Gumaca, dapat daw isumbong

Humihingi ng suporta at kooperasyon sa publiko ang bayan ng Gumaca, Quezon upang masawata ang iligal na pangingisda sa kanilang karagatang nasasakupan.

Kung may mga malalamang illegal fishing activity, dapat daw ay isumbong ito sa mga awtoridad.

Kamakailan sa ginawang seaborne patrol operation ng Maritime Law Enforcement Team Personnel at ng mga Bantay Dagat, huli sa iligal na pangingisda ang isang dayong motorized fishing vessel sa kanilang lugar matapos manghuli ng mga isda sa pamamagitan umano ng dynamite fishing sa 3 kilometer mula sa pangpang ng Brgy. Bamban.

Nakumpiska ang isang bote ng explosive o dinamita mula sa bangka ng mga suspek. Tatlong salarin ang dinakip lulan sa bangka.

Mas mahigpit ngayon ang pamahalaang lokal ng Gumaca sa iligal na gawaing ito na makakasira sa yamang-dagat.

Ayon kay Mayor Webster Letargo, hindi daw nila hahayaan lapastanganin ang likas na yaman na nasasakupan ng kanilang lugar para sa mga sariling interes at kasakiman.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng LGU sa mga awtoridad sa kampanyang ito.

Panghihikayat ng alkalde sa mamamayan nito na makipagtungan at ipagbigay-alam sa awtoridad ang mga iligal na gawain sa kanilang bayan.

Pin It on Pinterest