Inflation rate ng December 2018, bumaba sa 5.1% ayon sa PSA
Ibinida ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbagal ng inflation rate sa bansa para sa huling buwan ng 2018.
Base sa inilabas na datos ng PSA, 5.1% lamang ang inflation kumpara sa 6% noong Nobyembre. Ito rin ang naitalang pinakamababa simula noong Hunyo 2018.
Ipinaliwanag ng PSA na malaki ang naging papel ng pagbaba ng presyo ng pagkain, inumin, at pamasahe.
Ayon kay PSA Head Lisa Grace Bersales, pinakamabagal ang inflation sa labas ng Metro Manila habang ang pinakamabilis naman ay naitala sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)