News

Inilunsad na Free Zumba ng Brgy. Mayao Castillo, magtutuloy-tuloy

Nagpapatuloy pa rin ngayon ang inilunsad na Free Zumba tuwing Sabado ng Pamahalaang Barangay ng Barangay Mayao Castillo sa Lungsod ng Lucena.

Sa katunayan, ayon kay Kapitan Jun Garcia, marami na raw ngayon ang nakikilahok sa naturang Zumba sa lugar.

Maging mga kabataan daw ay nakikilahok rin sa programang ito na ginaganap sa Purok Matahimik Covered Court simula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng umaga sa nasabing barangay.

“Ngayon nga sa totoo lang mga kabataan nakikijoin na rin kaya dalwang function na yung aking kwan maraming kabataan ay Purok Matahimik at tsaka Purok Dalampasigan dalawang purok na madami nang nakikijoin.”.

Sinabi ni Garcia, nagsimula raw ang programang ito ng barangay noong selebrasyon ng Women’s Day na siyang inilunsad naman niya sa nasasakupang barangay para sa mga residente.

“Ito naman nag-umpisa noong Women’s Day sa Lucena City National Higschool Mayao Castillo Annex na sumuporta tayo sa programa ng school so nakita ko nun na parang masaya yung mga Magulang na nag-eenjoy doon sa Zumba”.

Layunin ng programa sa pagtitiyak na magiging malusog ang mga constituents nito.

Tiniyak naman ng Punong Barangay na magtutuloy tuloy ang programang Free Zumba sa lugar kahit pa umano sariling dukot niya ang pambayad sa mga Dance Instructors.

“Ang akin naman, ang DI naman kahit magtatlo pag dalawa ay yun parin ang singil niya sa akin kasi nga ay regular na hindi na nila ako sinisingil ng mataas so minsan papameryenda at ngayon naman meron nagshe-share sakin si Mr. Joel Abenilla na isa ding yung asawa Ka-Zumba saka siya ay nagbibigay sa akin kung minsan ng P500 bilang share so natutuwa sila”.

Pin It on Pinterest