News

Inspeksyon para sa kapakanan ng mamimili isinagawa ng DTI Laguna

Muling nagsagawa ang Department of Trade and Industry, Laguna Office ng inspeksyon sa mga produktong ibenebenta ng mga negosyante sa lalawigan. Katuwang ng DTI ang Ceramic Tile Manufacturers, Flat Glass Alliance of the Philippines, Chamber of Philippine Electric and Wire Manufacturers, Philippine Steel Makers Association at iba’t iba pang grupo at assosasyon ng iba’t ibang indutriya upang masiguro ang kalidad ng mga produktong ibinebenta hindi lamang sa Lalawigan ng Laguna maging sa buong bansa. Pangunahing tinitignan sa inspeksyon ay kung nakakasunod sa Republic Act 4109 o Products Standards Law ang mga produktong ibinebenta at ang tamang pagtanggap sa customer at reklamo o hinaing ng mga ito.

Ang pag-chicheck ng mga produktong ibenebenta ng mga negosyante ng DTI ay isinasagawa naman ng regular alinsunod sa Department Order 48 series of 2008 ng ahensya. Hindi rin lamang sa mga tindahan nag-i-inspeksyon ang mga ito kundi maging sa mismong pinanggagalingang planta ng mga ibinebentang produkto.

Pin It on Pinterest