Installation ng Tsunami Early Warning System, isinagawa sa bayan ng Lopez
Kamakailan ay nagsagawa ng installation ng Early Warning System na tutukoy sa padating na tsunami sa coastal barangays sa bayan ng Lopez, Quezon.
Ikinabit ng mga kawani ng DOST CALABARZON- Batangas State University at Quezon Provincial Disaster Risk Reduction & Management ang Solar Isotropic Generator of Acoustic Waves o SIGAW ang nasabing early warning system.
Layunin ng nasabing aktibidan ang magkabit ng Solar-powered Isotropic Generator of Acoustic Wave (SIGAW) na isang Tsunami Early-Warning System na kapag may babala ng tsunami ay may alarm na magpapaalerto sa mga residente ilang oras bago ang epekto nito sa mga komunidad sa baybayin.
Nagpapasalamat naman si Mayor Rachel A. Ubana kay Gobernador Dra. Helen Tan na sya umano ang naging daan upang mabigyan ng ganitong aparato ang bayan ng Lopez, Quezon.