News

International AIDS Candlelight memorial isinagawa sa Perez Park

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. Doktora Helen Tan sa isinagawang AIDS Candlelight Memorial na pinangunahan ng Quezon Provincial Health Office – Infectious Disease Cluster.

Ang pagsisindi ng kandila ay sumisimbolo sa liwanag at magsisilbing tanglaw upang itaas ang kamalayan ng bawat mamamayan tungkol sa Human Immunodeficiency Virus o HIV upang labanan ang pagkakaroon ng ganitong uri ng sakit o virus.

Sinabi ni Gov. Helen Tan, sa mga bagay na ito ang pagtutulungan at partisipasyon ng Local Government Unit, Private Sectors at ng non-governmental organization para ma-prevent ang pagkalat.

Ang pagdami ng nagkakaroon ng HIV ay masyado na nakakaalarma at dapat na itong malabanan bagay na pagtutulong tulongan daw sa Lalawigan.

Magkakaroon ng pag ikot sa iba’t ibang bayan para ng information drive patungkol dito, kung paano ito maiiwasan at ipa bang interbensyon patungkol sa sakit.

Mayroon na rin daw sa lalawigan ng confirmatory machine para sa pagsusuri sa isang pasyente sa HIV ibig sabihin hindi kailangn pang ipadala sa Maynila ang mga specimen for confirmation mas magiging mabilis na ang pagtukoy.

Huwag daw matakot ang HIV Testing, bagamat may gamot daw na available ang department of health para dito, sabi ni Governor Tan mas importante ang prevention.

Isinagawa ang nasabing aktibidad bilang pag-alaala sa mga namayapa dahil sa komplikasyon dulot ng AIDS gayundin ay bilang paggunita sa serbisyo at sakripisyo ng mga taong tumulong upang malabanan ang nakamamatay na sakit.

Kasabay ng candlelight memorial ay nagkaroon din ng libreng serbisyo tulad ng libreng HIV orientation, testing, pre-dispensing, condom and lubes distribution at iba pa mula sa mga community based-organizations ng Lalawigan.

Isinagawa ang programa noong May 22 2023, sa Perez Park, Lucena City, kabahagi sa program ang iba’t ibang grupo gaya ng Quezon Pioneers Club, grupo ng kababaihan ng lungsod ng Lucena, kabalikatan para sa kapakanan ng bayan at iba pa, dumalo ang ilang opisyal ng Lucena City.

Pag ibig at pagkakaisa, hindi takot sa Stigma ang naging tema ng programa.

Pin It on Pinterest