News

Isang buwan lang, maayos na ang QMC –Cong. Vicente Alcala

Madiin ang naging kasagutan ni Cong. Vicente Alcala ng Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Quezon sa tanong ng isang tagasubaybay ng Bandilyo TV kung mapapatino nito ang Quezon Medical Center kung sakaling siya ay lumaban at manalong gobernador ng lalawigan. Isang buwan ang palugit na ibibigay ni Alcala sa sarili sakaling maging gobernador upang maalis ang umano’y sindikato sa QMC. Alam anya ng mga taga-Quezon na mayroong sindikato sa ospital at ito ang kanyang uunahin. Sinabi rin ni Alcala na inuubos umano ng kasalukuyang gobernador, Gov. David Suarez ang pondo ng ospital ay dinadala sa ibang programa. Kaya kapag nagpupunta anya ang pasyente upang magpagamot ay walang maibigay ang ospital. Wala naman problema ayon pa kay Cong. Suarez kung dalhin sa ibang lugar ang mga gamot lalo’t magagamit ito ng mamamayan.

Ang nagiging problema ayon kay Cong. Kulit Alcala ay ipinapangalan sa iba ang programa samantalang pera ng taumbayan anya ang ginagamit para sa proyekto.

Sa mga nakaraang panayam ay nabanggit na rin ni Cong. Alcala na may mga proyekto siyang inilulunsad na mismong pera niya at hindi sa pamahalaan nagmumula ang pondo. Isa anya rito ay ang pamamahagi niya ng mga VHF Radio sa mga barangay ng Ikalawang Distrito ng Lalawigan ng Quezon na personal niyang pondo ang ipinambili.

Pin It on Pinterest