News

Isang Water Refilling station sa Brgy. Dalahican sa Lucena City, dinagsa dahil sa walang daloy ng tubig

Dinagsa ngayon ng mga residente ang isang water refilling station sa Brgy. Dalahican sa Lungsod ng Lucena. Gumagamit na kasi sila ng tubig na binili sa mga water refilling station para ipanligo.

Ito’y dahil sa mag-iisang linggo nang walang suplay ng tubig sa nasabing lugar matapos na magkaroon ng third party damage sa Brgy. Lalo sa Lungsod ng Tayabas.

Habang walang tubig, sa mga refilling station na lang sila umaasa ng pang-inom at panligo, idinadaan na lang nila sa biro ang pagka-aborido nila sa sitwasyon lalo’t magastos ito.

Nasa P30.00 kada lalagyan ang nagagastos nila para lang may magamit na tubig sa kani-kanilang bahay.

Ayon sa nangangasiwa ng isang water refilling station sa Brgy. Dalahican dahil sobrang dami ng gustong bumili ng tubig sa kanilang station hindi na halos nila mabigyan lahat.

“Marami po kaming customer ngayon kasi nagkakaubusan ng nawasa eh nagkukulang ho ang suplay kaya ang nangyayari po marami po kaming hindi nalagyan na container.”

Ayon naman kay Kapitan Roderick Macinas, agad siyang humiling sa mga opisyal at sa mga kaibigan niyang malapit upang kahit papaano ay matugunan ang pangangailan sa tubig ng kanyang mga residente. “Tayo po ay personal na nag-request sa ating Mayor Roderick “Dondon” Alcala kasama po diyan ‘yung kay Governor Dra. Helen Tan at may ilang po tayong kaibigan dito sa mga pangulong dito sa fishing industry natin na Ofelia so sila po ay nagdedeliver ngayon sa ating barangay sa iba’t ibang purok.”

Pin It on Pinterest