Itatayong Largest Evacuation Center sa Lungsod ng Lucena, aprubado na sa Sangguniang Panlungsod
Aprubado na sa Sangguniang Panlungsod ng Lucena ang pagtatayo ng pinaka malaking Multi-purpose/ Evacuation Center.
Ayon kay Konsehal Christian Ona ang nasabing Multi-purpose/ Evacuation Center ay ang largest evacuation center sa Lungsod na may sukat na 1,850 sqm.
“Ang total floor area nito ay 1,850 sqm., ang first floor po ay 1,085 ang second floor po ay 850.”
Matatandaang taong 2021 pasado na ang nasabing resolution ngunit dahil sa pagpapalit ng panibagong administrasyon, kinakailangang mai-update ang nasabing resolusyon upang masimulan na ang proyekto.
“Kung atin pong maaalala ito po ay naipasa natin noong 2021 dahil po nagkaroon ng change of administration naging ang Mayor po natin ay si Mayor Mark ay inupdate po ang resolution na ito para po maka-start na po itong project na ito.”
Dagdag pa ni Konsehal Ona nagkakahalaga ng 50 Million pesos ang nasabing Multi-purpose/ Evacuation Center na ipinagkaloob ng PAGCOR sa Lungsod at nakatakdang itayo sa bahagi ng Brgy. Kanlurang Mayao, Lucena City.
“Ito po ay nagkakahalaga ng 50 million pesos po, ito po ay grant ng PAGCOR.”