News

Jeepney bahagi ng kultura; phase-out hindi pabor ang isang bokal sa Quezon

Sa Privilege speech ni 1st District of Quezon Board Member Julius Luces ang Committee Chairman ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon patungkol sa Jeepney Modernization Program sinabi nitong ang mga jeepney sa ating bansa ay hindi lang basta gamit sa pampublikong transportasyon ito raw ay tanda ng simbolismo ng Pilipinas at bahagi ng kultura, tutol siya sa Jeepney phase out.

‘’Ang sinasabing jeepney ng Pilipinas ay hindi lamang po basta-basta gamit sa transportasyon. Ito po ay may malalim na simbolismo ng ating kultura, katatagan, pagsisikap at isang mainam na tanda at simbolismo ng ating lahing Pilipino. Dahil sa buong mundo ang orihinal na itsura ng pampublikong jeepney ay dito lamang sa Pilipinas matatagpuan.”

Nailatag daw ang planong Public Utility Vehicle Modernization Program sa pagitan ng taong 2015-2017 kung saan hindi pa tumatama ang pandemyang dulot ng COVID-19, ngayon daw na hindi pa tuluyang nakakabawi ang bansa sa pandemya at patuloy din ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at sa mahal ng unit ng sinabing modernized jeep na umaabot sa 2.5 milyon pesos subok na raw ang kalidad nito at tatagal ang serbisyo at ang mga driver ng mga jeepney na posibleng maging arawan na lamang ang kita at ang ilan sa mga negatibong puntos na nakikita ng naturang opisyal kaya tila hindi sya pabor sa jeepey phase-out.

Sa kabilang banda ang modernization program na ito ng pamahalaan ay may mabuting dulot din daw naman.

Dapat daw na tingan muna at pag-aralang mabuti ang full implementation ng PUV modernization program.

Pin It on Pinterest