News

Jiu-Jitsu players at PDAO, tumanggap ng Certificate of Recognition sa Sangguniang Panlungsod

Binigyan ng pagkilala sa Sangguniang Panlungsod ang mga kabataang Lucenahin na nag-uwi ng mga medalya sa ginanap na 2023 South East Asian Friendship Competition sa larangan ng Jiu-Jitsu.

Kasabay nito binigyan din ng pagkilala ang Persons with Disability Affairs Office o PDAO na nakakuha ng 92.5% sa Functionality Assessment ng Department of the Interior and Labor Government o DILG Lucena City.

Matatandaan na sa isinagawang sesyon noong February 6, 2023, kinilala ni Konsehal Manong Nick Pedro Jr. sa kanyang Pribilehiyong Pananalita ang mga Lucenahing nagbigay karangalan sa Lungsod.

Una dito ay ang Kalilayan Jiu-Jitsu Club of Lucena City kung saan nagkamit ng medalya ang lahat ng kanilang delegado laban sa mga player mula sa South East Asian countries.

Sumunod dito ay ang nakamit ng PDAO na 92.5% sa Functionality Assessment ng DILG Lucena City kung saan sinabi ni Konsehal Manong Nick na makikita ang pagsisikap ng PDAO upang mapataas pa ang kapaburan sa mga may kapansanan sa paggalaw sa lipunan.

“Mababakas ang sumusulong na pagsisikap ng PDAO para signipikanteng mapataas pa ang sariling functionality para sa kapaburan ng sector ng mga may kapansanan sa paggalaw sa lipunan”.

Pin It on Pinterest