News

Job fair inilunsad sa Lucena City bilang bahagi ng National Women’s Month Celebration

Kasabay ng kick off ceremony ng National Women’s Month Celebration ng Lokal na Pamahalaan ng Lucena City, isang job fair din ang inilunsad sa pamamagitan ng Lucena City Public Employment and Services Office (PESO) kung saan maraming mga jobseeker ang dumagsa na ginanap sa harapan ng Lucena City Government Complex.

“Ito ay isang bahagi para sa ating mga kababaihan trabaho para kay Juana.”

Alas diyes pa lang ng umaga mahigit 200 aplikante na ang dumating upang mag-aply ng tabaho, sa mga oras ding iyon sa tala ng PESO Lucena may mga na-hire-on the spot na.

May 20 partner agency ang lumahok sa nasabing job fair, tamang tama ang pagkakatong ito para sa aplikante na si Rachel na nag-aaply trabaho abroad, may mga recruitment agency for overseas job kasi ang lumahok sa job fair.

‘’For abroad more on sales po, marami na akong naging experience dito much better kung opportunity naman sa ibang bansa’’, sabi yan Rache.

Mahaba ang naging pila ng mga nag-aaplay para makapagtrabaho sa ibang bansa, ang job fair ay bukas din sa mga nais na maghanap ng trabaho mula sa mga kalapit bayan.

“As u can see marami na po tayong mga kababayan na nakapila para po magpa-interview medyo dinudumog po ngayon araw ang ating papuntang abroad.”

Sa Lucena City Quarterly nagsasagawa ng Job fair upang mapababa ang unemployment rate at upang hindi na uamano lumayo ang mga Lucenahing nais maghanap ng trabaho.

Sinabi ni DOLE Quezon Provincial Dir. Edwin Hernandez na dumalo sa programa ang Lucena City ang isa contributor sa pag-angat ng employment rate sa probinsya ng Quezon.

‘’Marami siyang nai-contribute sa pag-angat ng ating employment sector sa Lalawigan ng Quezon isa po sa contributor ay ang Lucena,’’ang sabi DOLE Quezon Provincial Dir. Edwin Hernandez.

Sinabi ni Maria Cristina Encina ang PESO Manager ng Lucena LGU ang job fair na ito na inilunsad nila sa unang quarter ng taon ay bukod sa pagkikibahagi ng sa Women’s Month Celebration ng kanilang tanggapan at layon ng lokal na pamahalaan na makapaghatid ng Masagana At Respetadong Kahanapbuhay.

Pin It on Pinterest