News

Kaayusan sa unang araw ng pasukan sa Tayabas City katuwang ang PNP

Nakiisa ang kapulisan ng Lungsod ng Tayabas sa pagtulong sa pamahalaang panglungsod sa mulng pagbubukas ng klase kahapon June 5. Naglagay ng Police Assistance Desks ang Tayabas City PNP sa mga pampublikong eskwelahan upang agad na makatugon sa pangangailangan ng mga Tayabasin. Bukos sa mga assistance desks ay nagtalaga rin ang Tayabas PNP ng kanilang tauhan para ma-mando ng daloy ng trapiko upang makatawid ng maayos ang mga magulang at estudyante na papasok sa iba’t ibang eskwelahan sa Tayabas City.

Bukod naman sa pag-asiste sa mga opisyal ng barangay at eskwelahan sa pagpasok ng mga estudyante ay namahagi rin ng Anti-Bullying flyers ang Tayabas PNP upang malaman ng mga magulang at mag-aaral ang dapat nilang gawin sakaling mayroong mambully sa mga bata.

Ang pakikiisa ng Tayabas PNP ay may kaugnayan pa rin sa Ligtas Balik Eskwela 2017. Katuwang ng Pamahalaang panglungsod ng Tayabas ang mga barangay kung saan naroroon ang mga eskwelahan, bantay bayan, iba’t ibang NGOs at volunteer groups upang masigurong maayos ang unang araw ng klase sa buong Lungsod ng Tayabas.

Pin It on Pinterest