News

Kahit hindi Fire Prevention Month dapat langing handa sa sunog-BFP Lucena

Kahit hindi daw Fire Prevention Month ayon sa Lucena City Bureau of Fire Protection dapat laging handa at alerto ang publiko sa banta ng trahedya na dala ng apoy o ang sunog na maaring puminsala ng ari-arian at kumitil ng buhay ng tao

Yan ang panawagan ni FSupt. Aurelio Zalun ang City Fire Marshall ng Lucena BFP sa mamayan sa paglulunsad nila ng mga aktibad na ngayong buwan ng Marso, Fire Prevention Month.

Sainabi ni Zalun Maraming mga basic na dapat gawin ang publiko na epektibo upang makaiwas sa sunog lalo na sa mga de kuyenteng kagamitin sa bahay, ayon daw sa pag-aaral marami sa insidente ng sunog ay nagmula sa faulty electrical wiring na maari naman daw sanang maiwasan kung magiging responsable lamang ang marami.

Ngayong fire prevention month iba’t ibang aktibad ang nakahanay ng Lucena BFP upang higit na maipamulat sa mamamayan ang kahalagahan ng pagiging handa at alerto, bababa sila sa mga barangay upang magbigay ng impormasyon at training laban sa sunog.

Ang Fire Prevention Month ay isang batas sa pamamagitan ng Proclamation Number 115-A na nilagdaan ni dating pangulo Ferdinand Marcos Sr.

Minamandato ng batas na gumawa ng aktibidad ang mga sangay ng gobyerno at mga pribadong sektor ukol sa pag-iwas sa mga sakuna, gaya ng sunog.

Umaga ng March 2, 2022 isang motorcade ang ginawa ng BFP Lucena upang ipabatid sa mamayan na ang sunog at walang pinipiling lugar, oras at panahon kaya dapat laging alerto at handa.

Pumarada ang kanilang mga fire truck habang tumutunog ang sirena ng bumbero na hudyat ng maigting na paghahanda kontra sunog.

Pin It on Pinterest