“Kalakal Quezon featuring Womenpreneur Market”, binuksan sa Lucena City

Inilunsad ng Department of Trade and Industry o DTI Quezon ang KALAKAL Quezon featuring Womenpreneur Market na matatagpuan sa Ground Floor, Mall Atrium sa pakikipagtulungan ng SM City Lucena nitong Miyerkules, March 15.

Ang pagbubukas ng KALAKAL Quezon featuring Womenpreneur Market ay bahagi ng selebrasyon ngayong National Women’s Month.

Ayon kay Janine Maris Pabillar, Exhibitor ng Tangerine Chocolate Products na gawa sa Cacao mula sa Gumaca, Quezon, mabibili sa Womenpreneur Market ang iba’t ibang food products sa Lalawigan ng Quezon.

“Yung mga products po na available po today dito sa SM City Lucena meron po tayong Tasty Bites – Ito po’y mga gourmet products gourmet alamang, tuyo at tinapa from Lucena City, We also have Capas – Ito po yung mga seafood cracklings from Tiaong, Quezon, We also have Pasciolco yun po yung mga Coconut Products natin from Tiaong as well, We also have Rutchill Chocolates so chocolate products po siya from Lucena and We also have Tangerine Chocolates from Gumaca, Quezon po.”

Tampok sa Kalakal Quezon ng DTI ang iba pang mga food products sa lalawigan gaya ng mga organic virgin coconut oil, coconut cooking oil, organic coconut vinegar, organic coconut sugar, coconut jam with mascuvado, organic coco menthol balm, papaya pickles o atchara, panutsa chocolate peanut clusters, Tangerine Dark and Dark Milk Chocolate, seafood cracklings, crispy butcheron, gourmet na alamang, tuyo at tinapa at iba pa.

Tatagal ito hanggang sa a-trenta ng Marso ngayong 2023.

Layunin ng aktibidad na ito na mapaunlad ang industriya ng niyog at iba pang lokal na produkto sa pamamagitan ng pagbebenta ng “by products” mula sa ilang bayan.

Hinikayat naman ng mga exhibitor ang publiko na tangkilikin ang Kalakal Quezon featuring Womenpreneur Market.

“Iniimbitahan ko po lahat na kapag po kayo ay napadako sa lugar na ito ay bisitahin po natin ang atin pong mga lokal na produkto, gawang Quezon po itong lahat na pwede po nating ipagmalaki kung meron po kayong mga naiisip na pagbigyan na regalo, ito po yung best na regalo na pwede niyong ibigay sa mga ito, suportahan po natin yung lokal at ito po ay gawang Quezon.”

Pin It on Pinterest