News

Kampanya Kontra Iligal na Droga, Mas Pinaigting pa ng Lucena PNP

Mas pinaiigting pa ng Lucena City Police Station ang kampanya nito kontra iligal na droga at kriminalidad.

Ito ang inihayag ni PLTCOL Erickson Roranes, hepe ng Lucena City PNP kasunod nang pagkakaaresto sa ilang drug personalities sa kanilang lungsod.

“Sa pagpasok pa lang po ng 2023, tayo po ay nakapag-accomplish ng worth P3-M na shabu dito po sa Lucena at yan naman po yung statement namin palagi rito even if yung aming Regional Headquarters, Provincial Headquarters down to station level. Tayo po ang PNP po ay hindi naman tumitigil sa laban natin sa war against illegal drugs na tinatawag”.

Sunod-sunod ding naaresto ng mga elemento ng Lucena CPS ang iba pang mga hinihinalang wanted criminals sa kanilang Areas of Responsibility o AOR sa pakikipagtulungan ng iba pang police units.

Nanawagan naman sa publiko si Roranes na maging vigilant at agad na isumbong sa mga awtoridad ang mga nakikita nilang kahina-hinalang aktibidad o gawain sa kanilang paligid upang masakote ang mga kriminal at mailagay sa likod ng rehas na bakal.

Pin It on Pinterest