News

Kapatid Mentor Me Program ng DTI nasa 200 ang nagsilahok sa Occ. Mindoro

Halos 200 partisipante ang dumalo sa paglulunsad sa lalawigan ng Occidental Mindoro ng Kapatid Mentor Me Program ng Department of Trade and Industry kamakailan sa Sikatuna Beach Hotel, San Jose sa lalawigan. Layunin ng aktibidad na mabigyan ng tamang kasanayan at libreng gabay ang mga nagnenegosyo lalo na ang mga nagsisimula pa lamang. Ayon kay DTI Regional Director Joel Valera, sa tulong ng Go Negosyo, ay inimbitahan ng kanilang tanggapan ang mga kilalang personalidad sa sektor ng pagnenegosyo. Ang mga ito ay magsisilbing mentor o gagabay sa 15 mapipiling MSME’s (Micro Small and Medium Enterprises) ng Mentor Me Program.

Unang nagbahagi ng kanyang kaalaman si Armando Bartolome, may akda ng aklat na Is Franchising For You?, na ginawaran bilang Book of the Year noong 2012. Tinalakay ni Bartolome ang nararapat na kaisipang taglay at pagpapahalaga na meron ang isang Entrepreneur. Ibinigay nitong halimbawa ang isa popular na fast food chain, na orihinal na pinagmulan ng unlimited rice.

Ayon sa isang lumahok sa programa, malaking tulong ito lalo na sa mga magsisimula pa lamang magnegosyo at nais lumaki at umunlad.

Pin It on Pinterest