News

Karera ng Kalabaw sa Mayohan Festival, isinagawa

Pagalingan sa diskarte ang mga amo kung papaano kakaripas ang mga alagang kalabaw sa ginawang Karera ng Bubalus Bubalis Carabanesis o mas kilala sa tawag na kalabaw sa kaparangan ng proposed sports complex sa Brgy. Baguio kaninang umaga, May 10, 2023.

Labingpitong (17) kalahok ang nagkarera na hinati sa dalawang (2) batch at ang unang maka-ikot pabalik sa starting line sa bawat batch ang panalo sa preliminary round.

Dito ay nagwagi sa kani-kanilang batch si Noriel Aranilla, Orlando Quimio at Temilito Francia na sila ring naglaban sa final round kung saan tinanghal na champion si Ginoong Aranilla na tumanggap ng P8,000 cash prize, bukod dito sya din ang nagkamit ng Best in Costume.

2nd place naman si Orlando Quimio at tumanggap ng P6,500 cash prize at ang mag-among Temilito Francia at kanyang kalabaw ang naging 3rd place na may P4,500 cash prize.

Samantala lahat ng lumahok sa nasabing paligsahan ay may P2,000 consolation prize.

Isinagawa ang paligsahan bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Mayohan Festival at bilang pagpupugay sa mga magsasaka na sa kabila ng pagiging moderno ng teknolohiya ay patuloy pa ring katuwang ang kanilang kalabaw sa pagsasaka.

Pin It on Pinterest