Karne ng aso nasabat sa isang kainan sa Batangas
Arestado sa isinagawang raid ng Animal Kingdom Foundation at Criminal Investigation and Detection Group ang isang 52-taong gulang na babae matapos mapag-alamang nagbebenta ng karne ng aso sa isang karenderya sa Ibaan, Batangas.
Ayon sa mga awtoridad, tinatayang 2-3 aso kada araw o hindi bababa sa 60 aso sa isang buwan ang kinakatay para mag-operate ang nasabing kainan.
Karaniwan umanong inihahain ang karne ng aso sa mga jeepney, tricycle drivers, mango pickers, at construction workers sa nasabing lugar.
Sa ngayon ay tuluyan nang ipinasara ang karinderya at nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act.
Base sa Animal Welfare Act, pwedeng makulong ang nasa likod nito hanggang dalawang taon at pagmultahin hanggang P100,000.