News

Kasalang bayan sa Sampaloc, Quezon isinagawa katuwang ang pamahalaang lokal

Isinagawa noong araw ng Miyerkules, June 28 ang isang kasalang bayan sa Bayan ng Sampaloc sa Lalawigan ng Quezon. Nasa labing limang magkakapareha ang nagpalitan ng kanilang wedding vows at nangako rin ng pagsasama ng matiwasay kasama ang kanilang pamilya. Isinagawa ang kasalang upang bigyan ng pagkakataon ang mga nagsasama na ngunit wala o hindi nagkaroon ng pagkakataon na magpakasal dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Saksi ang mga kaibigan at mahal sa buhay ay mga mga ngiting isinumpa ng mga magkakapareha ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa.

Ang kasalang bayan ay itinaguyod ng pamahalaang lokal ng Sampaloc sa Lalawigan ng Quezon. Matapos ang mga kinakailangang papeles at kaukulang seminar para sa mga ikakasal ay naisakatuparan na ng mga magkakapartner ang kanilang maikasal sa simbahan. Ipinagpasalamat naman ng mga ito ang isinagawang aktibidad para sa kanila ng lokal na pamahalaan.

Pin It on Pinterest