Katiting na bawas presyo sa langis, tila insulto raw
Tila isang insulto at nakakaloko raw para sa mga tsuper ang katiting na bawas-presyo sa produktong petrolyo.
Sabi ng ilang jeepney drivers sa Lucena City, malaki at sunod-sunod kung magtaas ng presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis, tapos nitong nakaraang araw sentemo lang ang ibinaba sa presyo, hindi ba raw tila nakakaloko.
Bagama’t ipinagpapasalamat kahit paano na may bawas presyo, kaya lang hindi daw nila maiwasan na madismaya.
Samantala, pinuna ng isang grupo ang P0.20 na bawas presyo kada litro ng langis. Para sa PISTON, insulto raw sa mga mamamayan at sa mga namamasadang apektado ng pagtaas ng presyo sa langis ang napaka-liit na rollback na ito.
Nitong Martes naglabas ang ilang kumpanya ng mga abiso na mababawasan ng P0.20 kada litro ang presyo ng gasoline at diesel, habang P0.50 ang bawas sa kada litro ng kerosene.
Wala raw itong epekto para matugunan ang lumiliit na kita ng mga tsuper at operator sa bansa.
Ito ang unang beses na nagkaroon ng rollback sa presyo ng langis matapos ang 11 linggong patuloy na pagtaas Samanatala, Batay sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau na maaaring manatiling mataas ang presyo ng langis dahil sa kakulangan sa supply nito sa bansa.