News

Kauna-unahang Quezon Malaria Summit isinagawa para sa pagsugpo ng sakit na Malaria

Isinagawa ang kauna-unahang Quezon Malaria Summit sa layuning gawing Malaria Free ang buong lalawigan ng Quezon. Dinaluhan ng iba’t ibang rural health units ang okasyon katuwang ang pribadong sektor, Department of Health, pamalahaang panlalawigan at municipal health officers sa buong lalawigan. May temang “End Malaria for Good” pinagusapan sa summit ang mga epektibong pamamaraan upang maiwasan o mapanatili ang isang indibidwal na listas sa sakit na malaria.

Nagkaroon din ng Poster making Contest na ilalarawan ang tema ng malaria summit. Mananalo ng mula dalawa hanggang limang libong piso at certificate ang mga mapipiling posters. Isinagawa kahapon June 6 ang Quezon Malaria Summit sa Kalilayan Hall, Governor’s Mansion, Lungsod ng Lucena.

Ang sakit na malaria ay makukuha sa Anopheles mosquito isang uri ng lamok na matatagpuan sa halos lahat ng kontinente sa mundo. Mayroong dalang parasitiko ang lamok na na nagdudulot ng Malaria at kapag nakakagat ng tao ay maaaring mai-transmit o malipat dito ang parasite. Mapupunta ito sa liver o atay kapag dumami ay sisirain naman nito ang red blood cells na maaaring ikamatay ng tao.

Pin It on Pinterest