Kawani ng Real DRRMO at volunteer rescue teams nagpataas ng kakayahan sa kanilang rescue ops
Dalawang araw na nagkaroon ng pagsasanay ang MDRRMO ng bayan ng Real sa mga rescue teams at iba pang rescue volunteers ng munisipalidad upang mapataas ang kanilang kakayahan at maging mas epektibong tagapagligtas ng buhay. Tinalakay sa unang araw ng pagsasanay ang tungkol sa mga kagamitan at mga technique sa paghahanap at pag resuce sa mga istructurang nag-collapse dahil sa lindol o iba pang kadahilanan. Nagkaroon din ng aktwal na training sa mga kagamitan ang mga participants tulad ng paggamit ng tama sa mga tali o lubid upang umakyat o bumaba ng mga collapsed structures. Itinuro at ipinakita rin sa mga rescue workers ang tamang paghahanda sa mga magiging biktima upang hindi lalong lumala ang kanilang kalagayan sa oras na magtamo ng damage sa kanilang mga pangangatawan.
Sa ikalawang araw naman ay mismong ang mga tinuruang rescue teams na ang nagpakita ng kanilang galing at kanilang natutunan sa isinagawang training. Sa demonstrasyon ay ini-apply ng mga ito ang itinuro sa kanila ukol sa pag-rescue sa mga biktima ng isang gumuho o nagcollapse na istruktura.