News

Kita ng Pampublikong Pamilihan ng Lungsod ng Lucena, tumaas sa P25M

Pumalo na sa 25 million pesos ang kita o income ng Pampublikong Pamilihan ng Lungsod ng Lucena, ito ang inanunsyo ni Lucena City Mayor Roderick Alcala sa harap ng mga opisyales at mga kawani ng Lucena City Government Complex umaga ng January 28 sa regular na Flag Raising Ceremony.

Ayon kay Alcala sa nakalipas na Disyembre 31 taong 2018 umabot na ito sa higit 25 million pesos.

“At ngayon pong December 31, 2018 ang pinakatotal ng atin pong income is P25,705,295.11,” pahayag ng alkalde.

Ayon sa market administrator, sa tala ng treasurer’s office sa pagtatapos ng taong 2018 tumaas na sa 25 million pesos dahil sa maayos na koleksyon ng buwis sa pamilihan.

“Sa kaniyang maayos na collection at sa amin pong pakikipagtulungan sa kanila ay na-reach po ang figure na ito,” pahayag ni Noel Palomar, market administrator

Dati-rati ayon kay Alcala, aabot lamang sa 6-8 million pesos ang kinikita ng pampublikong pamilihan. Sa kaniyang administrasyon, tumaas sa 25 million pesos kaya pinasalamatan nito ang lahat ng nangangasiwa rito.

“Ganoon din po sa lahat ng ng ating mga maninindahan. Dati rati po ang income po natin dito, ranges 6-8 million lang pero patuloy na ganto po ang income ng ating public market kaya kinakailangan po na lalo natin pagandahin ang mga services para po sa ating mga Stall Holders at ganoon rin po sa mga mamamayan ng Lungsod ng Lucena.”

Ayon pa sa alkalde ito ay bunga lamang ng masidhing pagsusumikap ng lokal na pamahalaan upang higit pang mapaunlad ang Lungsod ng Lucena.

Pin It on Pinterest