News

Kon. Brizuela, nais isama sa kalendaryo ng turismo ang funride ng Mannix Media Inc.

Higit sa 300 daang mga siklista ang nakilahok sa Padyak Two Da Max ng 89.3 Max Radio FM at Bandilyo TV noong ika-24 ng Nobyembre 2018. Ito’y bahagi pa rin ng mga aktibidad ng ikalabing-isang taong anibersaryo ng Mannix Media Inc.

Ayon kay Konsehal Benito “Benny” Brizuela, isa sa major sponsor sa pagdaraos ng funride, dahil maganda daw ang naumpisahan ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro Jr. nais niya na isama sa kalendaryo ng turismo ang taunang isinasagawa na Padyak Two Da Max.

“Nagbulong nga po ako kay Manong Nick kanina at sabi ko’y maganda itong iyong naumpisahan at isama natin ito sa calendar ng tourism. Sabi naman ni Mayor, why not so sa susunod pong taon, pang siyam na taon, ay kasama na ito sa schedule ng tourism,” pahayag ni Konsehal Brizuela.

Sinabi pa niya na sa susunod pang mga taon susuporta muli at gagawin niyang limang bikes na pamparaffle.

Samantala, nagpasalamat naman si Kon. Manong Nick sa lahat ng bikers na nakilahok sa Padyak Two Da Max at sa patuloy na suporta ng City Government of Lucena, Mayor Dondon Alcala, Kon. Brizuela, Gov. David Suarez, Soundwave Sound System and Lights, ALEC Learning Center, Powershift Enterprises, Eskinita Lucban, SM City Luecna, Pacific Mall, Aquabest, Aquarap, Living Water, at REACT Philippines Paglutas Group.

Pin It on Pinterest