News

Konsehal Manong Nick, ikinatuwa ang prebiliheyong talumpati ni Konsehal Benny tungkol sa pagprotekta sa mga kabataan

Ikinatuwa ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro ang naging prebiliheyong talumpati ni Konsehal Benito “Benny” Brizuela sa Sangguniang Panglungsod ng Lucena na may kinalaman sa pagprotekta sa mga kabataan ngayon dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng prostituted children.

“The future belongs to the children and in the same breath it is also true that it takes a community to raise a child. ‘Yon po ‘yong mga kasabihang makabuluhan na may katotohanan,” pahayag ni Konsehal Manong Nick.

Sinabi pa niya ang mga binanggit ni Konsehala Rhaetia Marie Abcede-Llaga ay magkakaroon ng katuparan, ito raw ay isang bagay na makakadagdag at makatutulong upang higit pang mapabuti ang kalagayan ng mga kabataan sa lungsod.

“Hinihingi po na sa bawat taon magkaroon po ng ulat ang Pamahalaang Panlungsod tungkol sa state of the children, ano po ang kalagayan ng mga kabataan sa ating siyudad,” sabi naman ni Konsehala Abcede-Llaga.

Samantala, sa nakikita rin daw ni Manong Nick ay kulang ang atensyon ng mga magulang sa kanilang mga anak sa pagpapalaki kaya iminungkahi ng konsehal ang mga nararapat na gawin.

Pin It on Pinterest