News

Konsehal Manong Nick, sinabing dapat lang na bigyan ng biyaya ang mga kawani ng lokal na pamahalaan

“Isipin na lamangg natin ang katuwaang idudulot ng benepisyo sa selebrasyon ng pasko sa pamilya ng ating mga empleyado, ay sapat na pakiramdam na at kahit wala ng pasasalamat pa! Kaya ang sagot ko sa nagpapasalamat – “your deserved it, my friends!”

‘Yan ang naging laman ng pribelihiyong talumpati  ni Konsehal “Nicanor” Manong Nick Pedro Jr. matapos ianunsyo ni Mayor Roderick Dondon Alcala sa mga kawani ng city hall ang kanilang matatangap na aguinaldo ngayong pasko.

Ayon kay Konsehal Manong Nick, nararapat lamang na bigyan ng biyaya ang mga kawani para sa kanilang maayos at mabuting paglilingkod sa lungsod.

“Alam naman natin na ang pagkakaloob ng ganitong benepisyo ay bahagi lang ng ating trabaho sa panunungkulan. Isa pa’y karapatdapat lang namang premyuhan ng biyaya ang maayos at mabuting paglilingkod ayon na rin sa saklaw at pagtatakda ng batas para rito,” dagdag ni Konsehal Manong Nick.

Pin It on Pinterest