News

Konsehal Wilbert Mckinly Noche, nagpahayag ng saloobin tungkol sa patutsada ng isang Bokal sa Quezon

Matapos na isa-isahing linawin ang ipinasang ordinansa at sagutin ni Konsehal Manong Nick Pedro Jr. sa kanyang pribilehiyong talumpati sa regular sa session ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena nitong Lunes, March 20.

Ito’y may kaugnayan sa naging patutsada ng isang bokal sa Lalawigan ng Quezon sa ordinansang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena kamakailan.

Una nang pinuna ni Quezon 2nd District Board Member Atty. Bong Talabong ang ordinansa ng SP Lucena hinggil sa nagtatakda sa pagkuha ng clearance sa lokal na pamahalaan ng Lucena bago ang implementasyon ng infra projects at ang parusang pagkakakulong at multa.

Nagpahayag naman ng pagsuporta si Konsehal Wilbert Mckinly Noche sa pribilehiyong pananalita ng kasamang konsehal. Dito ay sinagot ni Noche bilang Chairman ng Committee on Public Works na siya ay present noong ipasa ang ordinansa sa naging patutsada ni Bokal Talabong na wala umano ang Chairman ng Public Works nang ipasa ang ordinansa.

00226 “Una po to state the record po dito po sa SP ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena ay present po nung ipasa po ang ordinansa pong iyan ay nandon po ang representasyong ito”.

Binigyang-diin pa ni Noche na hindi raw mahirap magkaroon ng koordinasyon at konsultasyon sa lokal na pamahalaan bago magtayo ng isang infra projects.

AVC “Kung darating naman po kay Pres. Ferdinand Bongbong Marcos, ang sigaw po ay unity. Siguro naman po hindi rin ganon kahirap na magkaroon ng koordinasyon at konsultasyon sa ating executive branch at sa ating sangguniang panlungsod kung sakaling may gustong gawin po ang mga National at iba pong ahensya na gagawin po sa ating Lungsod ng Lucena”.

Nagpahayag rin si Noche kaugnay pa rin sa patutsada ni Bokal Talabong na smooth at legal umano ang mga ipinapasang ordinansa kapag may attorney na opisyal sa sanggunian.

“Sinisigurado naman po natin na lahat po dito ay capable enough para po Mabasa at mapag-aralan ang mga ipinapasa po natin sa unang unang po sa pamamagitan po ng ating dating Mayor at ngayon ay Vice Mayor ang lahat ng legalidad na ating mga ipinapasa at nandyan din naman po ang ating Majority Floor Leader, Kons. Amer Lacerna, Kons. Faller at Kons. Beth Sio na naging dating Board Member sabihin na natin na beterano rin naman po yan legalidad po ipinapasang ordinansa at lahat po ng nandito.”

Pinasalamatan naman ni Noche si Vice Governor Anacleto Alcala III dahil sa pagkilala nito na separate legislative body ang Sangguniang Panlungsod ng Lucena.

Pin It on Pinterest