Kultura, buhay at kaugalian ng Indenous Peoples, matutunghayan sa isang Photo Exhibit sa SM Lucena
Isang Photo Exhibit na sumasalamin sa mayamang kultura, buhay at kaugalian ng mga Indigenous People sa bansa ang matutunghayan ngayon sa Event Center ng SM Lucena City.
Hapon ng Oktobre 24 pinangunahan ng National Commission on Indigenous Peoples ng Rehiyon ng CALARZON ang Ribbon Cutting and Opening of Photo Exhibit of Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/Ips) hudyat na maari ng tunghayan ng publiko ang Geography, Indigenous Knowledge System and Practices, Polital Organization, Technology and Economy, Art, Craft and Intangible Culture, Population and Social Organization and Kinship at iba pang gawi ng iba’t ibang katutubo sa bansa base sa mga makikitang larawan.
Bagay na napapabalik tanaw sa kung anong yaman ang mayroon noon.
‘’Ganito ‘yung nakikita ko noong kami ay nasa probinsya dati ganito ‘yung aming kultura.’’ sabi ni Gloria
‘’Nagbabalik tanaw sa amin kasi mas maganda ‘yung sina-una very natural talaga.’’sabi naman ni Rosie
Ang mga larawan sa exhibit ay kinamanghaan ng mga tumitingin.
Ang represinatsyon na ito ay bahagi ng 2022 Indigenous Peoples Month Celebration at 25th IPRA Commemoration o ang pagsasabatas R.A. No. 8371 Indigenous Peoples Rights Act of 1997.
Sa Launching nito sa SM Lucena dumalo ang mga katutubong Sama-Bajau sa Barangay Barra sa Lucena City, Aeta mula sa Tongco, Tayabas at Dumagat mula sa Buenavista, Quezon at nagpamalas ng kanilang mga cultural presentation suot ang kanilang mga cultural attire. Iba’t ibang Guest Speaker din ang dumalo mula Civil Society Group, DILG, City Social Welfare ng Lucena LGU at mula sa hanay ng AFP.
Ayon naman kay Capt. Wilfredo Dalisay ang Group Commander ng 2ND CRG, CRSAFP kaisa raw sila sa mga gawain at adhikain ng mga katutubo.
Ito ay hindi lang daw promosyon sa kanilang kultura at tradisyon sabi ni Dr. Carlos Buasen Jr. ang Regional Director ng NCIP IV-A kundi ito ay bahagi rin ng pagprotekta at pagkilala sa mga Indigenous Peoples ng ating bansa sa kanilang mga buhay at kultura sa makabagong panahon.
Tatagal ang Photo Exhibit hangang sa Oct. 27, 2022