Laban sa Dengue ipinagpapatuloy sa Antipolo City, Rizal
Patuloy ang isinasagawang aksyon ng Antipolo City sa Lalawigan ng Rizal upang pangalagaan ang kanyang mamamayan laban sa sakit na Dengue. Bumababa sa mga barangay ang mga kawani ng Antipoloi Cityy LGU upang magbigay ng impormasyon kasabay ang pagmo-monitor kung mayroong mga lugar na maaaring pamugaran o pamahayan ng mga lamok. Sa tulong ng mga opisyal ng barangay ay hinahanap at inaalis ang mga pinamamahayan ng lamok na nagdudulot ng sakit na dengue upang hindi na ito dumami.
Isa parin sa mga aktibidad ng lokal na pamahalaan ng Antipolo ay ang pagsasagawa ng pagpupulong kasama ang mga opisyal ng mga pampublikong eskwelahan at mga magulang ng mag-aaral nito upang ibahagi ang mga nararapat na gawin ukol sa pag-iwas sa Dengue. May mga paalala ring sinasabi ang mga opisyal ng pamahalaan para naman sa mga batang nabakunahan ng Dengvaxia sa mga nakaraang panahon. Sa pamamagitan nito ay mas mapapaigting ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City ang kanilang monitoring sa sakit na Dengue ang mga kabataang nabakunahan ng Dengvaxia.