News

Lahat ng mabubuting gawain ng kapulisan ay iha-highlight at ipapakita sa mamamayan ng lalawigan ng Quezon

Sa inilunsad na programa ng QPPO o Quezon Provincial Police Office sa pinamumunuan ni Provincial Director Senior Superintendent Rhoderick Armamento ay sinabi nitong lahat ng mabubuting gawain ng kapulisan ay iha-highlight at ipapakita sa mamamayan ng lalawigan ng Quezon. Isang paraan anya ito para lalo pang mapalapit ang puso ng mamamayan sa kapulisan. Palagian anyang ipinapaalala ni Armamento sa kanyang mga tauhan na dapat na maging maayos hindi lamang sa pakikitungo sa taumbayan kundi pati na rin sa kanilang mga sarili. Sinabi pa nitong ang pagsusuot pa lamang ng maayos ng kanilang uniporme ay performance nang maituturing. Lalo pa anya kung nagsalita ito ng mga bagay na makakabuti sa kapwa ay isang lalong magandang performance na ng isang alagad ng batas.

Ang lahat ng ginagawa sa araw araw ng isang pulis ayon kay Senior Superintendent Armamento ay magre-reflect anya sa Serbisyong Pulis Quezon program ng PNP sa lalawigan. Ang simpleng pagtayo lamang sa nakatakdang lugar sa isang pulis at walang nangyaring krimen sa oras ng kanyang duty ay maituturing nang serbisyo sa mamamayan at magandang performance na rin para dito.

Dahil dito ay nananawagan si PNP Provincial Director Senior Superintendent Rhoderick Armamento sa kanyang mga kapwa pulis na isaalang-alang ang kagalingan ng mamamayan sa tuwing gagawa ito ng anumang aksyon sa kanilang trabaho.

Pin It on Pinterest