News

Lalawigan ng Laguna awardee ng 2017 Seal of Good Local Governance

Tumanggap din ng pagkilala ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna mula sa DILG bilang awardee ng SGLG o Seal of Good Local Governance. Ayon sa lokal na pamahalaan ay dalawang magkasunod na taon na itong ini-a-award sa lalawigan, noong 2016 at ngayong 2017, dahil sa mga programa at repormang kanilang ipinapatupad. Magiging inspirasyon anila ito sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan upang maglingkod ng mas mabuti sa kanilang mga kababayan. Ipinahayag naman ng Laguna Government sa pangunguna ni Gov. Ramil Hernandez ang patuloy na pagkakaloob ng mas mataas na kalidad ng serbisyong tama sa mga kalalawigan. Nagpasalamat din ang lokal na pamahalaan sa patuloy a suporta at pagtitiwala nito sa pamahalaan.

Ang SGLG ay taunang ini-a-award sa mga lokal na pamahalaang bayan, lungsod at lalawigan. Sa mahigpit na pasusuri ng mga kawani ng DILG ay tinitignan ng mga ito ang mga programa para sa mamamayan. Sinusuri ding mabuti ang kalagayang pangkapayapaan ng isang lugar at ang tamang paggasta ng pera ng taumbayan. Kapag naging awardee ang isang LGU ay may mga benepisyo itong matatanggap katulad ng pera o pondo para sa isang proyekto upang maipag-patuloy ang mabuting serbisyo sa kapwa Pilipino.

Pin It on Pinterest