Lalawigan ng Quezon wagi sa nagdaang Gawad Saka Awards
Dahil sa mahusay na pamamahala sa agrikultura, binigyang parangal ang Lalawigan ng Quezon sa isinagawang Regional Gawad Saka Awarding Ceremony sa Batangas Convention Center kamakailan. Pinangalanan ng Department of Agriculture Region 4A si Gov. Suarez bilang Outstanding Governor, habang kinilala naman bilang Hall of Fame Awardees sina Provincial Agriculturist Roberto Gajo at Provincial Gawad Saka Focal Person Cristina Lucila. Bukod sa mga opisyal na ito ng pamahalaan, umani rin ng parangal ang mga kababayang Quezonian na nagpamalas ng galing sa pagsasaka at paghahayupan. Kinilala sina Florencio A. Perez (Outstanding Rice Farmer) mula sa bayan ng Tiaong, Jerson G. Cabriga (Outstanding Young Farmer) mula sa lunsod ng Tayabas, Angelito D. Mendoza (Outstanding High Value Crops Farmer) mula sa bayan ng Sariaya, Nilo P. Barrameda (Outstanding Fisherfolk – Fish Capture) mula sa bayan ng Calauag, Rossana Sinapilo (Outstanding Organic Farmer) mula sa bayan ng Candelaria, Ninieveh Fortun-Glinoga (Outstanding Small Animal Raiser) mula sa bayan ng Pitogo, at ang Pinagdanlayan Rural Improvement Club ng Dolores na kinilala bilang Outstanding RIC.
Ngayong 2017, ang Quezon ang nagtamo ng pinakamaraming bilang ng parangal sa buong CALABARZON Region. Nakuha nito ang walo sa sampung parangal.