News

Laptop ipinamahagi sa bawat Barangay sa Tayabas City

Mahalaga ang tama, kumpleto at napapanahong datos ng mga taong naninirahan sa nasasakupan ng bawat barangay sa Tayabas City.

Upang matulungan ang mga kawani ng barangay na mapabilis at maging maalwan ang pagpapasok ng mga kinakailangang impormasyon ay pinondohan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa ilalim ng GAD Budget ang pagbili ng mga bagong laptop na ipapamahagi sa 66 na barangay.

Kahapon, February 28, 2023 ang unang batch ng pamamahagi ng mga laptop sa 22 Barangay sa nasabing Lungsod na isinagawa sa Silungang Bayan.

Tinanggap ng mga Barangay Chairpersons at ng kanilang kinatawan buhat kay Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama si CCRO/GAD TWG Focal Person Maide Jader ang mga laptop na naglalaman ng computer program para sa Barangay Civil Registration System.

Ito ang gagamitin para sa encoding ng mga datos na makukuha sa Household Questionnaire sa ilalim ng Barangay Civil Registration System.

Ang mga laptop na ipinamahagi ay may initial data na rin ng BCRS na na-encode ng City Civil Registry Office at ito ang susundan ng mga barangay sa pag-e-encode ng mga bago at karagdagang datos ng naninirahan sa kanilang mga nasasakupan.

Dito rin ia-upload ng mga barangay ang kanilang GAD Plan and Budget at Annual Accomplishment Report upang maging mabilis ang online submission.

Isasagawa naman ngayong araw, March 1, 2023 ang pamamahagi ng mga laptop sa natitira pang 44 na barangay.

Pin It on Pinterest