News

LGU Tayabas at mga may-ari ng poultry farms, nagharap sa isang pulong

Nagharap sa isang pagpupulong ang kinatawan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas at pamunuan ng tatlong commercial poultry farms sa Barangay Lawigue upang ilatag ang mga plano at maayos na sistema sa pagpapatakbo ng operasyon ng mga manukan nitong Lunes, Pebrero 27.

Matatandaang noong nakalipas na lingo ay inihain sa pamunuan ng isang poultry farm ang cease and desist order na nagtatakda ng palugit na 30 araw p ara tumali ma sa mga itinatadhana ng batas.

Dumalo sa pulong ang mga tauhan ng Business Permit and Licensing Office, City Environment and Natural Resources Office, City Health Office-Sanitation Division at Sangguniang Barangay ng Lawigue upang dinggin ang mga ilalatag na plano ng mga may-ari ng Poultry Farms.

Kabilang sa napag-usapan ang iba’t ibang paraan sa Fly/Pest Control na pipigil sa muling pagdami ng langaw na nagiging ugat ng reklamo ng mga naninirahan sa karatig-lugar.

Gayundin, ang mga makabagong inobasyon at proyekto ng Highy Urbanized City Agriculture and Fisheries Council mula sa Lungsod ng Lucena na inilatag sa mga may-ari ng Poultry Farms.

Kasama ding tinalakay ang mga naging paglabag sa operasyon ng mga poultry farms hinggil sa mga batas at alituntunin na ipinatutupad ng DENR at CENRO.

Pinaalalahanan ang mga may-ari na kailangan ng mga ito na tumupad sa mga hinihingi ng batas bago muling makapag-operate.

Pin It on Pinterest