News

Libreng Legitimation Process, handog para sa mga kinasal sa kasalang bayan sa Atimonan, Quezon

Magkakaroon ng libreng Legitimation process na serbisyong hatid ng Local Civil Registry Office Atimonan, Quezon.

Ang proyektong ito ay bukas para sa mga mag-asawa na kinasal sa Kasalang Bayan sa pamamahala ng Lokal na Pamahalaan ng Atimonan mula taong 2015.

Sa pamamagitan nito ay mapo-proseso ang legitimation ng mga anak na isinilang bago ikinasal ang kanilang mga magulang at magkakaroon ng kaukulang annotation ang mga birth certificate.

Para sa mga requirements, kinakailangan ang mga sumusunod:

• Ikinasal sa Kasalang Bayan mula taong 2015 hanggang 2019
• May verified record ng Marriage Certificate sa Local Civil Registry Office ng Atimonan
• Rehistrado ang birth certificate ng anak/mga anak sa LCRO Atimonan

Kinakailangang parehong nasa Atimonan ang mag-asawa upang makapirma sa mga kakailanganing dokumento.

Valid ID o PhilSys Transaction Slip ang maaaring dalhin kung hindi pa dumarating ang National I.D.

Ang unang dalawampung (20) mag-asawa na makatutugon sa mga requirements ang makakasama sa proyektong ito.

Magsadya lamang sa LCR Office sa 2nd Floor ng Municipio ng Atimonan, para naman sa mga katanungan, maaaring tumawag sa 316-6769, 0917-135-2965 o mag-message sa LCRO Atimonan Quezon messenger account.

Ang DEADLINE ng pagpapatala para makasama sa mga benepisyaryo ng proyektong ito ay sa OCTOBER 14, 2022.

Ang libreng legitimation process ay proyekto ng Local Civil Registry Office ng Atimonan kaugnay ng pagdiriwang ng “33rd National Statistics Month” ngayong buwan ng Oktubre.

Pin It on Pinterest