Libreng Make Over sa mga kababaihan ngayon Women’s Month handog ng Quezon’s Pioneer Pride
Bilang pagpupugay ng mga miyembro ng LGBTQ+ ng Lalawigan ng Quezon sa mga kababaihan ngayong National Women’s Month naghadog sila ng libreng make over.
Iba’t ibang mahuhusay na hair stylist ng Quezon Pioneers Pride mula sa Lucena City, Sariaya, Pagbilao, Atimonan Lucban, Taybas City at Padre Burgos ang magbibigay ng libreng hair cut at hair coloring at iba pang serbisyo ng QPPLGBTQ bilang pakikisa at pagsuporta ng grupo sa pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan, dapat daw ang mga babae ay laging maganda.
“Siyempre ito ‘yung pinaka ambag namin sa womens celebration sa buong Quezon Province siyempre ito ay handog sa atin ng QPP sa pangunguna ni Kgwd. Eugene Alandy Dy at ni Gov. Helen Tan,’’ ang sabi ni Chia Caguicla ang tapagsalita ng Quezon’s Pioneer Pride.
Pitong araw tatagal ang aktibidad, na nagsimula noong March 20, 2023 bukas sa lahat ng kakabigan ng probinsya edad 18-nayos pataas.
“Libre po ang service naming sa hair color at hair cut para po sa mga kababaihan,’’dagdag pa ni Chia Caguicla.
bagay na malaking tulong kahit paano sa mga naka avail ng libreng make over na ito kahit paano raw nakatipid sila sa pagpapaganda.
‘’Aba ay kung sa Salon kung gupit at saka kulay ay baka 500 mahigit ay dito ay lahat ay libre”
‘’Para lang maging maganda, makatipid libre e”
‘’Masaya at ito nakalibre ng gupit at ito may libre pang kulay”
Ang isinasawang libreng make over para sa mga kababaihan ay ginagap sa Quezon Capitol Compound sa Brgy. 10 sa Lucena City at tatagal hanggang sa March 26, 2023.
Sa unang araw ng kanilang libreng gupit at kulay sa buhok nasa mahigit 280 na kababaihan na kaagad ang kanilang naserbisyuhan bukod pa rito ang 150 na kababaihan ngayon araw March 21.
“Ito po ang main ambag namin sa celebration womens month.”