Libreng x-ray services, inilunsad para sa vulnerable group sa Tiaong, Quezon
Naglunsad ang lokal na pamahalaan ng Tiaong, Quezon ng libreng chest x-ray services sa kanilang mga residente bilang suporta sa kampanya ng Provincia l Health Office laban sa tuberculosis.
Target ng Municipal Health Office sa programa ang mga nabibilang sa vulnerable group tulad ng mga senior citizens, indigent, mga may diabetes, health workers at naninigarilyo.
Tumagal ang programa ng tatlong araw na sinimulang isinagawa nitong Miyerkules hanggang ngayong Biyernes.
Ang libreng chest x-ray examination ay ginawa sa pakikipagtulungan ng Tiaong Municipal Health Office, Quezon Provincial Health Office at Culion Foundation Incorporated.
Ayon sa local government, nasa 450 residente na may edad 15 taong gulang – pataaas mula sa 31 barangay ang natulungan ng programa.
Ang TB ay isang airborne infection na sanhi ng bacteria (mycobacterium tuberculosis) na kadalasang nakakaapekto sa baga.
Sa datos ng Department of Health, nakapagtala ang ahensiya ng humigit-kumulang 470,000 kaso ng tuberculosis sa bansa noong 2022.