Ligtas ang Listong Mamamayan Simulation Exercise, Isinagawa sa Bawat Barangay sa Lungsod ng Lucena
Isinagawa sa bawat barangay sa Lucena City ang “Ligtas ang Listong Mamamayan Simulation Exercise o SIMEX”.
Sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’, sinabi ng Head ng Lucena City DRRMO, Janet Gendrano na tinitingnan nila kung may natutunan mula sa trainings na kanilang isinasagawa.
“Tama po Manong Nick kasi nung tinuruan po natin sila we want to test if they learned from us so ini-involved po natin sila dito sa mga training na ito,” ayon kay Gendrano.
Aniya, sa trainings na ginagawa nila, mismong ang participant ang nagsasagawa ng first aid o paunang lunas.
“Sila po ‘yung nagba-bandage, sila po ‘yung maggagamot, ‘yung mga ganun pong mga trainings so ‘yung pagbubuhat po sa mga pasyente,” ayon Gendrano.
Dagdag pa ni Gendrano na isinasagawa nila ito dahil daw kapag nangyari ang isang disaster sa komunidad, barangay ang maglalapat ng pangunang lunas upang maiwasan ang paghihintay ng pasyente.
Ayon pa sa Head ng Lucena City DRRMO na ang programang ito ay naglalayong malaman ng komunidad ang mga inisyal na hakbang sa pagreponde sa bawat kalamidad o disaster na maaaring mangyayari.