Likas na ganda ng isa sa mga Tourist Spot sa Guinayangan Quezon, ipinasilip!
Bilang bahagi ng promosyon ng Turismo sa bayan ng Guinayangan, ipinasilip ang isa sa mga tourist stop sa nasabing bayan ito ang AL DA’WAH FARM na matatagpuan sa Barangay Magsaysay Guinayangan, Quezon.
Matatanaw dito ang iba’t ibang lugar sa nasabing bayan pati na rin ang malawak na dagat.
Ang AL DA’WAH FARM ay dating tinatawag na Guinayangan Highlands o Magsaysay Hills na may sukat na labing-isang ektarya.
Bawat bulubundukin ay puno ng mga tanim na tinatawag na Citronella plant kaya naman presko ang hangin dito, ayon kay G. Jay-ar Alano Isipin, Supervisor.
Ang Citronella plant ay maraming benepisyo kagaya ng anti-mosquito bites at ginagawang produktong essential oil o ginagamit pangmasahe dito sa bansa at maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Bukas ang sabing pasyalan para sa lahat at wala ding entrance fee, panatilihin lamang na malinis ang lugar at maging responsableng turista ang ipinapaalala sa lahat.