Limang toneladang plastic wastes mula sa Tayabas ang ibinyahe sa planta ng Solid Cement Corporation
Limang libong (5,000) kilo ng iba’t-ibang uri ng plastic wastes ang ibinyahe ngayong araw, October 26, 2022 ng mga tauhan ng General Services Office-Ecological Solid Waste Management Unit (GSO-ESWMU) papuntang Antipolo City upang i-deliver sa planta ng Solid Cement Corporation o Cemex kung saan ito ipoproseso ng nasabing kumpanya.
Ito na ang ika-labimpitong batch ng plastic wastes na idineliver sa Cemex buhat sa mga naipon at hinirang na mga kinolektang basura sa nalooban ng Tayabas.
Produkto din ito ng isinigawang waste segregation program na “Basura Mo, Papalitan Ko.”
Kasabay din ng paghahatid ng mga plastic wastes ay ang pagsailalim ng anim (6) na tauhan ng General Services Office (GSO) sa Environmental Health and Safety (EHS) Orientation sa nasabing planta ng Cemex.
Ang partnership ng LGU-Tayabas at Solid Cement Corporation para sa ganitong gawain ay nabuo sa pamamagitan ng GSO na pinamumunuan ni Bb. Cecille Potestades at pamunuan ng Cemex bilang parte ng kanilang Corporate Social Responsibilty o CSR.
Layunin ng gawaing ito na mabawasan ang mga itinatapong basura sa sanitary landfill sa lungsod ng Tayabas.