News

Listahan ng mga mabentang produkto sa Niyugyugan Festival ipinakita ng pamahalaan

Inilabas na ng opisina ng provincial agriculturist ang tala ng sampung produktong malaki ang kinita nitong nakaraang Niyugyugan Festival na isinagawa sa Quezon Capitol Grounds sa Lungsod ng Lucena. Una sa listahan ay ang suman ng Infanta, Quezon na nakabenta ng mahigit labing isang libong bundles na nagkakahalaga naman ng mahigit nine 964,000 pesos. Pangalawa ang puto bao ng bayan ng Agdangan na nakabenta ng 62,800 na piraso ng produkto na may halagang 628,100 pesos ang halaga. Ang bayan ng San Antonio ay nakapagbenta ng kanilang suman lihiya ng 4,599 na packs na may halagang mahigit 551,800 pesos, Nakapagbenta naman ng halos isang libo at limandaang kilo ng tuyong pusit, tunsoy, danggit, sapsap at iba pang klase ng dried fish ang bayan ng San Narciso na katumbas ng 523,110 pesos ang halaga. Ang bayan ng Catanauan at Mulanay ay nasa Top 5 ng listahan na may magksamang benta na halos 400 thousand na halaga ng Uraro Cookies.

Ang iba pang bayan na kasama sa listahan ay bayan ng Lucban, Macalelon at Mauban na malaki ang kinita ng mga produktong ibinebenta sa kanilang mga booth mula sa kani-kanilang mga bayan. Dalawang produkto naman samantala ang nakapasok sa Top 10 ng bayan ng Lucban, ang longganisa na mayroon kabuuang benta na mahigit 310,000 thousand mahigit at ang kanilang Pansit Habhab na nakapagbenta ng 194,200 pesos.

Pin It on Pinterest