News

Lokal na Pamahalaan ng Lucena Todo ang Suporta sa DLL

Napakapalad ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena dahil todo ang suporta dito hindi lamang ng lokal na pamahalaan kundi maging sa nasyonal, ang pahayag ng Presidente nito na si Dr. Maria Charmaine Lagustan.

Ito ay sa pamamagitan aniya ng Chairman ng institusyon na si Lucena City Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala na siyang nakipag-ugnayan sa mga nasyonal na tanggapan at maging sa Kinatawan ng Distrito.

“Noong una po nagsimula ‘yung scholarship sa pamamagitan po talaga ni Mayor Dondon dahil nakipag-coordinate siya sa mga National Offices and ito pong mga ating representative ng ating district,” ani Lagustan.

Ayon pa kay Lagustan, dahil sa patuloy na pag-angat ng kalidad ng edukasyon ng DLL ay mayroon na itong national subsidy na malaking tulong sa lokal na pamahalaan ng Lucena dahil maaari nang ilaan ang ilang pondo nito sa ibang bagay na kailagan pa ng institusyon.

“Kaya nga po ‘yun pong mga budget na supposedly ay gagamitin pa sa operation ng DLL, nakakapagtayo po si Mayor Dondon ng atin pong mga buildings kasi po ay meron na pong katulong po ang City Government,” ani Lagustan.

Dagdag pa ng Presidente ng DLL na hindi naman ibig sabihin na walang binabayaran ang mga mag-aaral dito ay mahina na ang kalidad ng edukayon sa institusyon na ito.

Pin It on Pinterest