LOKAL NA PAMAHALAAN NG PAGBILAO NAGSAGAWA NG LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL AT DENTAL SA BRGY, TALIPAN.
Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Pagbilao ng libreng serbisyong medikal at dental sa mga residente ng barangay Talipan sa pamamagitan ng mobile health clinic.
Ilan sa mga serbisyong nakapaloob sa mobile health clinic ay prenatal check-up, infant check-up, bakuna para sa mga sanggol at bata, tuli, bunot ng ngipin, x-ray, ecg, at cervical cancer screening para sa mga kababaihan.
Nagkaloob din ang lokal na pamahalaan ng libreng bitamina at gamot para sa mga residente ng Talipan.
Ang mobile health clinic au bumababa sa mga barangay sa inisyatibo ni Mayor Shierre Ann Portes Palicpic kung saan pinamamahalaan naman ng mga medical staff mula sa municipal health center ng Pagbilao Quezon.