News

Lucena City idineklarang ‘insurgency-free’ na!

Idineklarang insurgency-free mula sa mga komunistang teroristang grupo at development ready ang buong Lungsod ng Lucena ng mga awtoridad.

Ito’y kasunod ng ginanap na “Ceremonial Signing of Memorandum of Understanding” nitong Huwebes, May 18 na isinagawa sa 3rd Floor ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena ng Lucena City Government Complex.

Ang nasabing lungsod ay nakakuha ng grant mula sa inter-agency body dahil sa Stable Internal Peace and Security o SIPS status matapos ang matagumpay na makamit ang mga kinakaila¬ngang criteria na para makamit ang kapaya¬paan sa kanilang lugar partikular ang wala nang naitatalang bayolenteng aktibidad ng New People’s Army sa loob ng isang taon, ayon kay Brig. Gen. Erwin Alea, Commander ng 201st Infantry “KABALIKAT” Brigade.

Maipagpapatuloy lamang daw ang nasimulang mga hakbang kontra insurhensiya sa pagtutulungan ng nakararami.

“What we are trying to emphasize it is part of the facilitators incoming up the declaring the city or the municipalities of the facilitators is yun pong lahat ng stakeholders the present during that activity this is one through manisfestation na eventually yung counter ng insurgency will not form in behind with the security sector hindi lang po sa army, hindi lang po mga miyembro ng kapulisna kundi ito po ay responsibilidad ng lahat.”

Sa deklarasyon ng SIPS status, ang local chief executives ang siya nang mamamahala para sa pagmamantine ng katahimikan at seguridad sa nasasakupan habang isinusulong ang kanilang development initiatives para sa kapaka¬nanan ng kanilang mga constituents, ayon pa kay Alea.

Nakatulong din ang re-declaration ng lungsod laban sa CPP-NPA-NDF na “Persona Non Grata” at ang paglalagda ng “Pledge of Commitment” sa lahat ng stakeholders partikular ang mga lokal na opisyales mula sa city level, kabilang ang iba’t ibang barangay chairman.

Pahayag ni PLTGEN Rhoderick Armamento, Commander ng Area Police Command Southern Luzon, mas maraming mga investor at mga negosyante ang papasok sa lungsod dahil ito ay deklarado nang insurgency-free. Bagay na malaking tulong sa mabilis na pag-unlad ng siyudad.

“Ito pong gagawin natin ngayong araw na na ito ay napakahistoric sa Lungsod ng Lucena napakagandang regalo po natin dahil tayo po ay magfi-fiesta ngayong katapusan at alam ko ang kauna-unahan po ditong matutuwa ay ang atin pong mga negosyante at ang atin pong mga investor kasi po kapag sila ay pumupunta sa aming opisina unang unang tinatanong kumusta na po yung sitwasyon sa ating lugar,”sabi ni PLTGen Roderick Armamento.

Ayon naman kay PBGEN Carlito Gaces, ito ay bunga ng walang tigil nilang operasyon laban sa mga rebelde at sa suporta ng mga lokal na pamahalaan.

Sinabi naman ni Gov. Dra. Helen Tan na mahalaga ang aktibidad na ito dahil unti unti nang tinutuldukan ang kasaysayang may bahid ng armadong pakikibaka laban sa pamahalaan.

“Alam niyo po napakahalaga ng itong pangyayaring ito one of the milestone ng ating Lalawigan and all the municipalities na na-declare na insurgency-free na nandon ang participation ng mga stakeholders.”

Nagpapasalamat naman si Vice Mayor Roderick Alcala sa lahat ng mga naging katuwang ng task force para magtagumpay ang layunin ng pamahalaan.

Pin It on Pinterest